Nagsagawa ng Cash-for-Training ang Department of Social Welfare and Development-Bicol Region para sa partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI sa munisipalidad ng Pandan at Pilar sa mga lalawigan ng Catanduanes at Sorsogon nito lamang Mayo 6, 2024

Aabot sa 787 benepisyaryo ang sumailalim sa tatlong araw na Learning and Development Session tungkol sa Project LAWA at BINHI.

Nakatuon ang mga paksa sa water sufficiency, crop-related at pest control, waste management at environment protection.

Nilalayon nito na tugunan ang kawalan ng sapat na pagkain at kakulangan sa tubig gayundin ang pagaanin ang mga epekto ng climate change, partikular na ang El Niño phenomenon na kasalukuyang nakakaapekto sa bansa.

Ang Cash-for-Training ay ang unang hakbang sa pagpapatupad ng Project LAWA at BINHI ng DSWD Field Office Bicol.

Source: DSWD Field Office 5 – Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *