Nasa 13 na mga dating rebelde sa probinsya ng Sorsogon ang nabigyan ng Php10,000 cash relief assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol kamakailan sa ilalim ng kanilang programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.

Ang mga nasabing benepisyaryo ay nagmula sa mga bayan ng Juban at Bulan. Ang mga nasabing rebelde ay nagbalik-loob sa gobyerno upang magkaroon na ng maayos at mapayapang pamumuhay.
Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng ahensya sa mga nasabing indibidwal upang matulungan sila sa kanilang pagbabagong buhay.
Source: DSWD Bicol