Tumanggap ng tulong pinansyal ang nasa 1,000 na mag-aaral mula sa mga bayan ng Daraga at Rapu-Rapu sa ilalim ng Educational Assistance Payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol at ng Ako Bicol Partylist.
Naisakatuparan ang pamamahagi ng nasabing asistensya sa isinagawang dalawang araw na payout activity, kung saan tumanggap ang bawat estudyante ng Php5,000.
Ayon sa Partido, ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay bahagi ng programang Tabang sa Edukasyon na nilalayong matulungan ang mga mag-aaral sa gastusin at matrikula.
Siniguro ni Ako Bicol Congressman Zaldy Co na palalawakin ng kanilang partido ang pagpapaabot ng tulong sa mga estudyanteng nangangailangan upang magkaroon ng pantay-pantay na oportunidad.
Source: Radyo Pilipinas Albay