Naghandog ang Mobile Wash ng lalawigan ng Occidental Mindoro ng malinis na inumin sa ginaganap na Provincial Sports Meet 2024 nito lamang Abril 8, 2024.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni PDRRMC Chairperson Gobernador Eduardo B. Gadiano at ang mga kawani ng PDRRMO sa ilalim ni Ginoong Mario D. Mulingbayan, Jr., patuloy na magbibigay ang lalawigan ng Serbisyong Ganado upang tiyakin ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan sa bawat sulok ng lalawigan.

Tinitiyak ng Mobile Wash na ang inumin na kanilang ihahandog ay malinis at ligtas para sa lahat ng mga dumalo at manlalaro sa nasabing aktibidad.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang mainit na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa ganitong uri ng programa at tiyakin ang kaligtasan ng mga manlalaro upang maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Sa kabuuan, ang gawaing ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalusugan, suporta sa komunidad, pagpapahalaga sa kapakanan ng mga pampublikong aktibidad, at pagpapakita ng pagkakaisa at kooperasyon sa pamamagitan ng mga pampublikong serbisyo.
Source: Pdrrmo MainOffice (Mamburao)