

Ligao,City Alby- Aabot sa 89 sea turtle olive ridley hatchlings ang inilipat at pinakawalan sa dalampasigan ng Barangay Catburawan, Ligao City nito lamang Enero 6, 2024.
Pinangunahan ng CENRO Guinobatan, ang pagpapakawala sa nasabing sea turtle, katuwang ang Bantay Dagat Patrol Base 2 at mga opisyales ng nasabing barangay.
Nagbigay din ng Information Education and Communication (IEC) materials ang CENRO, sa mga residenteng malapit sa lugar para makaroon sila ng tamang kaalaman sa pagpapanatili at pag-alaga ng mga yamang-dagat.