

Bagama’t sikat ang Marinduque sa mga magagandang beach, mayroong isang kaakit-akit na talon na namumukod-tangi sa mga tourit spots ng Marinduque. Ito ang Paadjao Falls na matatagpuan sa Brgy. Bocboc, Mogpog, Marinduque. Mapupuntahan ang Paadjao Falls sa pamamagitan ng 10 minutong paglalakbay mula sa highway na 5.5KM lamang ang layo.
Ang Talon ay may sukat na 15 feet na taas at may lalim na 6 feet kung saan dumadaloy ang napakalinis ng tubig na napapaligiran ng luntiang mga halaman at matatas na puno na nagsisilbing lilim ng mga dumarayo dito. Pinabalibotan din nito mga malalaking bato kaya maging mas maingat sa pagtawid sa ilog at talon.
Bukod sa nakamamanghang tanawin ng falls, ang trekking sa falls ay nagkapagbibigay sa iyo ng unique experience at trip back to nature. Bagamat itinuturing na underrated tourist spot sa Mogpog, Marinduque isa naman ito sa paboritong lugar na pasyalan ng mga lokal na pamilya at grupo sa upang magpicnic picnic, maligo, trekking at gawing nature getaways.
Ang tahimik na lalawigan ng Marinduque ay biniyayaan ng mga nakamamanghang talon
na napapaligiran ng mga mayayabong na kagubatan at ang malamig na lilim ng mga puno.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming turista gusto at binabalik-balikan ang lugar.