
Ang malapulbos na paraiso na ito ay isa sa mga secret getaways ng iilang turista hanggang sa madiskubre ng marami ang kagandahan nito at naging isa sa mga hinahanap at binabalik-balikan na beach sa El Nido.
Apat na kilometro ng kulay cream na buhangin, mga puno ng niyog, at crystal clear turquoise na tubig ang bumubuo sa Nacpan Beach. Kilala din sa tawag na “twin beaches” ng mga lokal at turista ang Nacpan Beach at ang isa ay Calitang Beach. Ang mga ito ay matatagpuan sa Palawan, 17 kilometro sa hilaga ng bayan ng El Nido.
Kung gusto ng mga bisita na magbabad sa araw, maaari silang humiga sa buhangin o tumambay sa mga duyan. Maaari nilang piliin na umidlip sa isa sa mga makukulay na shady spots ng Nacpan Beach. Liban sa paglangoy, maaaring subukan ng mga bisita sa Nacpan Beach ang surfing, kayaking, at stand up paddleboarding at snorkling.
Para makapunta sa Nacpan Beach, maaaring gumamit ng tricycle ang mga turista, na kasya ang dalawa hanggang tatlong tao. Isa sa pinakamainam na pagpunta sa Nacpan beach ay ang pagbobook ng shuttle na kadalasang inaalok ng mga tour organizers. Ito rin ay isang paraan upang makilala mo ang iba pang mga travellers at maenjoy ang kanilang serbisyo.
Kung gusto mo naman ay one of a kind experience, maaari ka ring sumakay ng tricyle patungong Nacpan Beach, mas mura ito kaysa shuttle pero asahan mo na magiging bumpy ride ang iyong biyahe dahil ang ilang parte ng kalsada ay lubak lubak, maputik at hindi pa sementado.
Maaari ka rin magrent ng motorbike dahil ito ang kadalasang gamit ng mga turista dahil sa budget-friendly na, maeenjoy mo pa ang rides dahil malaya kang makakapunta at maeexplore ang lahat ng parte ng beach at makita ang mga relaxing na mga tanawin nito.