
Ang Batongan Cave ay matatagpuan sa Barangay Batongan, Mandaon, Masbate na may habang 150 na metro.
Ang kwebang ito ay mayroong pitong bukana na nagdurugtong sa isang malaking lagusan na konektado sa isa pang kuweba sa Zapatos Island.
Makipot ang daan papasok sa kweba, sa loob nito ay makikita ang naggagandahang mga limestone. Tirahan din ito ng iba’t-ibang klase ng mga paniki.
Dinarayo rin ng mga turista ang kwebang ito tuwing sasapit ang Biyernes Santo.