Ang Padaraw Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-30 ng Mayo sa bayan ng Bulan, Sorsogon. Ang pagdiriwang na ito ay bilang pag-alala sa pagkakaisa ng mga mamamayan sa bayan ng Bulan, Sorsogon.
Ang salitang “daraw” ay tumutukoy sa kaganapan sa dagat kung saan ang mga isda ay nagtitipon tipon at hinuhuli ng mangingisda upang makakuha ng maraming isda.
Ito ay isang pagdiriwang ng pasasalamat para sa masaganang ani sa karagatan ng mga taga-Bulan at isang patunay kung gaano kahalaga ang pagkakaisa ng mga mamayanan ng Bulan, Sorsogon.
