
Ang Bayan ng Donsol sa Sorsogon ay kilala sa pagdiriwang ng Butanding Festival tuwing katapusan ng buwan ng Mayo.
Ang bayan ng Donsol ay isa sa mga pinakasikat na destinasyon ng mga turista sa lalawigan ng Sorsogon at naging kilala bilang Whale Shark Tourism Capital of the Philippines na umaakit sa maraming turista at kalapit na bayan upang saksihan ang pagdiriwang ng Butanding Festival.
Ang pagdiriwang na ito ay bilang pagpupugay at pasasalamat na nagdadala ng kabuhayang pang-turismo sa mga mamamayan ng bayan ng Donsol.