
Ang St. Lawrence the Martyr Parish Church, ay kilala bilang Tiwi Church. Ito ay isang Roman Catholic Church na makikita sa Tiwi, Albay.
Tulad ng maraming simbahan sa Rehiyon ng Bicol ito ay hindi lamang isang bahay sambahan, kundi isang tanda din ng mga makasaysayang pagbabagong dinanas ng mga parokyano noon.
Ang lumang simbahan na ito ay ang Sinimbahanan ruins, na nawasak noong 1846 pagkatapos ng sunud-sunod na pagsalakay ng mga pirata.
Makalipas ang ilang dekada, ang simbahan na ito ay nagsimula bilang isang kapilya noong 1829 at kalaunan ay naging simbahan ng parokya ng bayan.