
Ang St. Michael the Archangel Parish Church ay kilala bilang Oas Church, isang simbahang Romanong Katoliko sa Oas, Albay.
Mula ng magsimula ito bilang isang kahoy na gusali, ang Oas Church ay muling itinayo at naayos ng maraming beses.
At noong ika-19 na siglo ang simbahan ay dumanas ng mga lindol at bagyo, at ang pinakamasamang nangyari noong 1884 at isang malakas na lindol ang nagsawak sa simbahan.
Noong 1901, ang simbahan ay iniulat na muling itinayo gamit ang mga bato na mula sa bulkang Mayon at “sa istilong Tuscan.”
Ang St. Michael the Archangel Church of Oas ay isang Level II na makasaysayang istraktura na may tanda ng National Historical Commission of the Philippines.