Ang Pinagdamayan river ay isang ilog na matatagpuan sa Purok 7, Malobago, Guinobatan, Albay.

Ang Pinagdamayan river ay naging patok na paliguan ng mga taga Guinobatan at mga kalapit na bayan. Mapapawi ang init na nararamdaman ng inyong katawan kung papasyal, magtatampisaw at maliligo sa ilog na ito.

Bukod sa malinis na tubig, bubungad din sa mga maliligo and iba pang tanawin sa kapaligiran, mayroon ding balsa na magagamit sa lugar at pwede ring magpicnic sa ilalim ng mga puno na naka paligid sa tabing ilog.

Libre lang ang pamamasyal at paliligo rito ngunit pakiusap ng mga kinauukulan sa mga pumupunta dito ay panatilihin ang kalinisan ng lugar upang mas marami pa ang mahikayat na bumisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *