Sa gitna ng karagatan ng Malilipot, Albay ay nadiskubre ang isang spell-binding sight na lalabas kapag humupa ang tubig.

Hindi kataka-taka kung bakit isa ito sa naging pangunahing tourist attraction ng Albay, ang kaakit-akit at nakakamanghang isla.

Vanishing Island ang tawag sa mahiwagang lugar na ito dahil literal itong nawawala kapag high tide. Sa panahon ng high tide, karamihan sa mga gustong masilayan at mapuntahan ito ay tumatawid sa tubig. Mabibighani ka sa kalidad ng kulay esmerald green na tubig. Kapag ang low tide ang dumating at ang tubig ay nawala, ang mahiwagang isla ay lumilitaw at masisilayan. Kaya marami sa mga kalapit na lalawigan ng Albay at mga turista ay gustong-gusto na masilayan at marating ang kagandahan ng Vanishing Island.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *