Ang bicol express ay ang pinagmamalaking pagkain ng mga Bicolano. Ito ay pagkaing sikat na sikat sa mga turista at mamamayan ng Bicol Region.
Ito ay nilagang gawa sa siling haba, siling labuyo, gata ng niyog, bagoong alamang, sibuyas, karneng baboy, luya at bawang. Ang pangalan ng ulam ay hango sa Bicol Express Railway Train o Philippine National Railways, na tumatakbo mula Tutuban, Manila hanggang Legazpi City, Albay.
Kilala din ang mga pagkaing mula sa Bicol sa pamamaraan ng pagluluto na nilalagyan ng maraming sili na nagdudulot ng kakaibang anghang at sarap.