
Ang Pancit Habhab ay isang lokal na pagkain sa Quezon na sikat lalo na tuwing Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.
Ito ay inimbento ni To Kim Eng. Ang original na timpla ay karaniwang may makapal na egg noodles, pork liver, fish balls, kikiam, at quail egg, lahat ay lumalangoy sa makapal na sabaw at paminsan-minsan ay nilagyan ng whisked egg.
Sa bayan ng Lucban ito ay tinatawag na Pancit Lucban or pansit hab-hab na pancit miki na ginisa na nilahokan ng karne at atay ng baboy, hipon, at gulay.
Ang kakaiba sa pansit habhab ay ang paraan ng pagkain nito dahil hindi gumagamit ng anumang kubyertos sa pagkain ng habhab at sa halip ay inihahain ito sa isang maliit na piraso ng dahon ng saging at tuwirang isinusubo ang pansit mula sa dahon na nilalagyan ng suka ang pansit habhab para mas sumarap ang lasa nito.