​
Nananatiling alerto ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa buong Metro Manila para sa nagpapatuloy na 49th ASEAN Summit mula Nobyembre 16 hanggang 18, 2026.

​Mahigit 23,000 pulis at katuwang na puwersa mula sa AFP, BFP, at MMDA ang ipinakalat sa mga pangunahing lugar gaya ng PICC, mga hotel ng mga delegado, at mga daraanan nito. Sa kabila ng ilang mga kilos-protesta, tiniyak ni PGen Jose Melencio C Naratatez Jr, Chief, PNP, na nananatiling mapayapa at kontrolado ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng maximum tolerance.

​
Humihingi ang kapulisan ng kooperasyon at pang-unawa mula sa publiko hinggil sa mga traffic rerouting upang matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng nasabing pandaigdigang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *