Nagbabala si NCRPO Acting Regional Director PBGen Christopher N Abrahano na mananagot sa batas ang sinumang mananakit sa mga pulis sa gitna ng mga kilos-protesta. Kasunod ito ng komosyon sa Liwasang Bonifacio noong Nobyembre 15, 2026 kasabay ng 49th ASEAN Summit, kung saan 15 pulis ang nasugatan ngunit nakabalik na rin sa tungkulin.
Bagama’t kinikilala ang karapatan sa mapayapang pagtitipon, inatasan ni Abrahano ang pangangalap ng ebidensya laban sa mga lumabag, habang pinaalalahanan ang kapulisan na pairalin ang maximum tolerance at igalang ang karapatang pantao.
“Let this be clear: we will not allow violence against our police officers to go unanswered. Our personnel are there to perform their duties and protect public safety, not to become punching bags for anyone who chooses to defy the law. Those who assault them will be held accountable,” saad ni PBGen Abrahano.