Para sa ilan, maaaring simpleng halaga lamang ang ₱100,000. Ngunit para sa Barangay Poras sa bayan ng Boac, Marinduque, ito ay nangangahulugan ng dagdag na hakbang tungo sa pangarap ng limang college students at karagdagang kagamitan para sa mas mahusay na paglilingkod sa komunidad.
Sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang” Socio-Civic Projects Fund (SCPF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., limang kwalipikadong college students mula sa Barangay Poras ang tumanggap ng tig-₱20,000 na educational assistance.
Bukod sa tulong pang-edukasyon, bahagi rin ng pondo ang suporta para sa pangangailangan ng komunidad, na layuning mapalakas ang kakayahan ng barangay na makapaghatid ng mas maayos at episyenteng serbisyo sa mga residente.
Ipinapakita ng programa ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mailapit ang tulong at serbisyo sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan at komunidad na higit na nangangailangan ng suporta.
Source: PIA MIMAROPA