Naantala ang biyahe patungong Calapan ng tatlong pasahero matapos silang maaresto ng mga awtoridad sa loob ng Port of Batangas.
Isinagawa ang operasyon ng PNP Regional Intelligence Unit CALABARZON at Batangas Maritime Police, sa pakikipagtulungan ng Port Police Station.
Ayon sa ulat, ang tatlong suspek ay pawang mga wanted person na nahaharap sa kasong robbery. Hindi na sila nakasakay sa FastCat matapos isagawa ang operasyon.
Dinala ang mga naarestong indibidwal sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasagawa ng mga legal na hakbang.
Source: Batangas News