Patuloy ang pagpapatupad ng iba’t ibang proyektong pinondohan sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) sa 13 barangay ng bayan ng Corcuera, Romblon.
Pinangunahan ni Mayor Elmer Fruelda, kasama ang mga miyembro ng Municipal Project Monitoring Council at Engr. Val Casidsid ng DILG Provincial Office, ang inspeksyon at monitoring sa mga kasalukuyang proyekto upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga ito.

Ang mga proyekto ay kabilang sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at naglalayong tugunan ang pangangailangan sa imprastraktura ng mga lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan ng LGSF, nabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na pamahalaan na matukoy at maisakatuparan ang mga kinakailangang proyekto sa kanilang mga komunidad, gayundin upang matiyak ang napapanahon at episyenteng paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Source: PIA MIMAROPA