KAWIT, CAVITE — Personal na sinuri ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang kalagayan ng 98 pamilyang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Habagat at Tropical Depression Maymay sa Gahak-Marulas Elementary School sa Bayan ng Kawit, Cavite ngayong Agosto 10.

Sa kanyang pagbisita, tinasa ni Secretary Gatchalian ang sitwasyon ng mga pamilyang pansamantalang nananatili sa evacuation center at tinalakay ang mga hakbang upang higit pang mapalakas ang koordinasyon ng DSWD at lokal na pamahalaan sa agarang paghahatid ng angkop na tulong sa mga apektadong residente.

Nauna nang namahagi ang DSWD ng Family Food Packs at hygiene kits para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na maabot ng kinakailangang ayuda at iba pang serbisyo ang mga pamilyang naapektuhan ng sama ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *