Ang Pawa Mangrove Nature Park ay matatagpuan sa Barangay Mabunga, Masbate City. Ang magandang lugar na ito ay ang pinakamalaking mangrove sanctuary sa Masbate City at ito ay may sukat na 300 ektarya.
Ang Parke ay isa rin sa mga dinarayo ng mga turista dahil sa maaliwalas nitong tanawin lalo na ang pagtawid sa bamboo footbridge na napapalibutan ng malalagong mga mangroves.
Dahil sagana ang lugar sa mga mangroves, naninirahan din dito ang iba’t-ibang uri ng yamang dagat na siya namang karagdagang pinagkakakitaan ng mga mamamayan sa lugar.