Arestado ang isang hinihinalang regional drug personality sa isinagawang joint buy-bust operation ng PDEA Occidental Mindoro, San Jose MPS-MDEU, at Occidental Mindoro PPO-PDEU sa Brgy. Mangarin, San Jose, Occidental Mindoro noong Mayo 11, 2026.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ricky,” 42-anyos, residente ng Brgy. Bubog. Nakumpiska mula sa kanya ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php34,000, kasama ang iba pang drug paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Patuloy naman ang kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga sa lalawigan.
Source: StarFM Cotabato