CALABARZON — Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang karapatan at kinabukasan ng mga kabataan, isinagawa ng Regional Council Against Child Labor (RCACL) CALABARZON ang Midterm Assessment and Planning Exercise sa pangunguna ng Department of Labor and Employment IV-A (DOLE CALABARZON).

Layunin ng aktibidad na masuri ang kasalukuyang implementasyon ng mga programa laban sa child labor at makabuo ng isang komprehensibo at mas epektibong RCACL Action Plan para sa rehiyon. Tinalakay sa pagpupulong ang mga best practices, gayundin ang mga bottleneck, gaps, at hamon sa pagpapatupad ng mga interbensyon upang higit pang mapalakas ang mga hakbang sa pagsugpo sa child labor.
Binibigyang-diin ng RCACL CALABARZON ang kahalagahan ng inter-agency collaboration at aktibong partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor upang matiyak na ang bawat bata ay may ligtas na kapaligiran, sapat na edukasyon, at disenteng pamumuhay.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, muling pinagtitibay ng RCACL CALABARZON ang panawagan para sa isang komunidad na walang batang napipilitang magtrabaho, at kung saan ang bawat kabataan ay may pantay na pagkakataong matuto, umunlad, at mangarap.
Source: https://www.facebook.com/piagovph4a/posts/pfbid036FyMUzreE4xBqUZd3EGbDfTeHcB1MARpsCoWqMMscy7fTWaDiSMUDqJ2WzevGP4Yl