Na-cite in contempt ng senado ang isang Chinese National na kinilalang si Shi Chaoqun na siya umanong nasa likod ng Php100 Milyong meat smuggling operation sa Kawit, Cavite.
Sa isinagawang hearing ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform sa pangunguna ni Sen. Francis Pangilinan katuwang si Sen. Erwin Tulfo nitong Miyerkules, isinailalim sa cite in contempt si Shi matapos itong magsinungaling sa mga katanungan sa isinagawang senate hearing.
“Niloloko tayo. Wala siyang kakayahan, nag-negosyo siya dito isang Chinese, pero walang contact, saad pa ni Sen. Tulfo.
Matatandaang si Shi ang nahuling nangungupahan sa Freezer No. 8 sa Vigour Global Logistics Corp sa Kawit, Cavite, na nahulihan ng milyon-milyong smuggled frozen meat noong Mayo 2024. Sinubukan din umano nitong umalis sa bansa ngunit naaresto ito ng Bureau of Immigration.
Nang tinanong si Shi ng mga senador kung may kakikilala ito o contact sa Pilipinas, mariin nitong itinanggi at pinagdiinan na simula noong makarating siya sa bansa taong 2017, ay wala siyang kakilal ninuman.
Pinaalalahanan naman ng senado ang lahat ng mga resource person na ang pagsisinungaling sa nasabing hearing ay sapat na dahilan para madetain.
Inatasan naman ni Sen. Tulfo ang Bureau of Immigration na makipag-coordinate sa Senate Office of the Sergeant-at-Arms upang masiguro ang pagpapanatili ni Shi sa detention facility ng senado na hindi ibabalik sa warden facility ng Bureau of Immigration.
Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1264922