Isang patunay ng malasakit sa kalikasan ang ipinamalas ni Governor Vilma Santos-Recto sa pangunguna ng VSR Simultaneous Coastal Clean-up Drive sa Brgy. Bañadero, Tanauan City, Batangas nito lamang Setyembre 20, 2025.
Kasama si Mayor Sonny Collantes at iba’t ibang lokal na pamahalaan, sabay-sabay nilang nilinis ang baybayin upang mapanatili ang ganda at kalinisan ng mga karagatan.
Sa mahigit 332 barangay sa coastal areas ng Batangas, pinatunayan ng mga Batangueño ang kanilang pagkakaisa at pagmamahal sa kalikasan.
Ang malinis na dagat ay hindi lang biyaya sa atin, kundi sa mga susunod pang henerasyon at tunay ngang kapag nagkaisa, kayang baguhin ang agos ng basura sa ating karagatan.
Source: Batangas PIO