Isang matagumpay na hakbang tungo sa mas malusog na pamayanan ang isinagawa nito lamang Setyembre 19, 2025 sa Quezon Medical Center sa ilalim ng Quezon Provincial Hospital Network—ang Cholelithiasis Caravan.

Umabot sa 30 pasyente mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ang libreng naoperahan sa kanilang bato sa apdo, isang seryosong karamdaman na maaaring magdulot ng matinding sakit at komplikasyon.

Sa tulong ng dedikadong mga doktor at kawani ng ospital, muling pinatunayan ng Pamahalaang Panlalawigan na ang kalusugan ng bawat Quezonian ay mahalaga.

Ang naturang caravan ay ipinagpatuloy noong Setyembre 20, 2025 para sa 26 pang pasyente.

Ang ganitong mga programa ay paalala na sa gitna ng mga hamon, may gobyernong handang umalalay, magmalasakit, at maghatid ng tunay na serbisyong may puso.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *