Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kahandaan sa panahon ng sakuna at pangangalaga sa kalusugan, nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng El Nido ng isang Orientation on Basic First Aid para sa piling mga mag-aaral mula sa El Nido National High School noong Agosto 1, 2025.

Ang programa ay dinaluhan ng mga piling estudyante mula sa Grade 7 hanggang Grade 12, na layuning palawakin pa ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng wastong paunang lunas sa oras ng pangangailangan. Tinalakay sa orientation ang mga pangunahing kaalaman sa first aid, tulad ng wound management, CPR (cardiopulmonary resuscitation), fracture immobilization, at iba pang mahahalagang teknik sa pagtulong sa mga nasugatan o may karamdaman habang hinihintay ang propesyonal na medikal na tulong.

Ayon sa MDRRMO-El Nido, mahalagang bahagi ng disaster preparedness ang pagkakaroon ng mga kabataang may sapat na kaalaman sa first aid, lalo na sa mga lugar na malalayo sa ospital o klinika.

Ipinahayag din ng mga guro at tagapamahala ng paaralan ang kanilang pasasalamat sa isinagawang aktibidad, at hinikayat ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga natutunan sa kanilang pamilya at komunidad.

Ang naturang orientation ay isa lamang sa mga inisyatibo ng MDRRMO-El Nido upang mapalakas ang kahandaan at resiliency ng mga mamamayan ng bayan laban sa anumang uri ng sakuna o aksidente.

Source: MDRRMO El Nido

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *