Ibinida ang mga alagang baka at kalabaw sa Batangas Cattle Show o BACA Show sa lalawigan ng Tanauan, Batangas kaugnay sa pagdiriwang ng 2nd Tanauan City Agriculture Week noong ika-22 ng Mayo 2025.

Ipinamalas dito ang galing ng mga magbabaka mula sa Barangay Natatas sa isang makulay na selebrasyon.

Tampok din dito ang iba’t ibang patimpalak gaya ng Cattle Parade, Biggest Cattle Award, Best in Costume, at libreng sakay sa Mechanical Bull.

Ibinida sa nasabing aktibidad ang ilan sa pinakamalulusog na baka at kalabaw, na lalong nagpatingkad sa makukulay na kasuotan at maipagmamalaking kalidad ng alagang hayop sa barangay.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong palakasin ang industriya ng pagbabaka sa Lungsod, maging ang pagpapapakilala ng ating Halal-Certified Slaughterhouse Facility.

Source: Tanauan CGTV FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *