Matagumpay na naipamahagi ang mga bagong Garden Tools para sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod nito lamang ika-21 ng Mayo 2024.
Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ni Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, katuwang ang Department of Agriculture, City Agriculturist Office sa pamumuno nina Mr. Sherwin Rimas at Executive Assitant Angel Atienza.
Ang bawat set ng Garden Tools ay binubuo ng wheel barrow, kalaykay, hand trowel, Garden Fork, lagadera mula sa Department of Agriculture at mga seedling trays, hydroponics kit at mga paunang mga vegetable seeds mula naman sa ating FITS Center Tanauan.
Ang programang “Gulayan sa Paaralan” ay mas paiigtingin pa upang mabigyan ng mas malawak na kaalaman ang bawat mag-aaral hinggil sa sustainable farming na siyang magpapayabong ng mas maunlad na Sektor ng Agrikultura sa Lungsod ng Tanauan.
Source: Tanauan CGTV FB Page