Matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng munting regalo na tinawag nilang “Alad ng Puso” kung saan mahigit 100 mga katutubong Pal’awan ng Quezon, Palawan ang naging benepisyaryo nito lamang ika-30 ng Disyembre 2024.

Ang community gift giving ay pinangunahan ng mga estudyante ng University of the Philippines (UP) Visayas sa pangunguna ni Monique Charize Faye Castro, presidente ng UPV Organization sa Palawan na “Gaqued ‘Y ang mga Palaweño”, kaasama ang iba pang mag-aaral mula sa Palawan.
Maliban sa mga food packs, nagkaroon din ng mga palaro, food feeding at namigay din ng mga essential goods sa tulong at suporta ng lokal na pamahalaan ng Quezon.
Layunin nitong makapagbigay ng munting tulong at pamasako sa mga kapatid nating Pal’awan mula sa Brgy. Tabon, Quezon, Palawan.
Source: The Palawan Times