Matagumpay na natapos ng Republic of Korea Navy (ROKN) at ng Philippine Navy sa ilalim ng Pacific Partnership ang bagong ayos na Naval Forces Southern Luzon (NFSL) Development Center Facility sa Naval Station, Julhasan Arasain sa Barangay Rawis, Legazpi City, Albay nito lamang Agosto 10, 2024.
Tinatayang nasa USD5,000 o mahigit Php200,000 ang pondong nagamit ng ROKN sa pagsasaayos ng pasilidad at nag-abot din ng 14 na stand fan at set ng mga krayola ang ROKN sa NFSL.

Matatandaang nagkaroon din ng renovation para sa feeding room ang mga sundalong Amerikano, Koreano at Pilipino sa halagang Php1 milyon na proyekto sa ilalim ng Pacific Partnership 2024 sa Legazpi City Port Elementary School sa loob ng dalawang linggo mula Hulyo 29 hanggang Agosto 10 ngayong taon.
Source: BicoldotPH