Sa gitna ng mga suliranin at kawalan ng disenteng bahay, inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Angono sa Rizal ang On-site Relocation Assistance para sa anim na pamilya ng Sitio Labahan.

Naipagkaloob sa kanila ang permanenteng bahay o matitirhan sa pamamagitan ng “Zero-squatter Program” ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jeri Mae Calderon, katuwang ang over-all program coordinator na si Vice Mayor Gerry Calderon.

Ang aktibidad ay naglalayong makapagbigay liwanag at pag-asa para sa mga pamilyang matagal nang nakakaranas ng kawalan ng seguridad at maayos na tirahan.

Source: Municipality of Angono, Rizal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *