Binigyang-diin ng Philippine National Police (PNP), sa pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP, ang kahalagahan ng mapayapa at responsableng pagsasagawa ng mga kilos-protesta kasabay ng pagdaraos ng ASEAN Summit sa Pilipinas.

Hinimok ng PNP ang mga grupong magsasagawa ng mga demonstrasyon na sumunod sa umiiral na mga batas at panatilihin ang disiplina upang maiwasan ang anumang kaguluhan o aberya sa panahon ng mga aktibidad.

Kasabay nito, kinikilala ng kapulisan ang karapatan ng bawat mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin at makilahok sa mapayapang pagtitipon.

Patuloy namang nakatuon ang PNP sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, mga delegado, at iba pang kalahok sa ASEAN Summit.

Layunin ng panawagan na maisulong ang mapayapang pagpapahayag ng saloobin habang napangangalagaan ang karapatan ng mamamayan at ang kaayusan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *