Patuloy ang mahigpit na pagbabantay at pagbibigay ng seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa matataas na lider at delegado mula sa iba’t ibang bansa na nagsimula nang magsidatingan sa bansa para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

​Ayon sa pamunuan ng PNP sa ilalim ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., nakapwesto na ang lahat ng nakatalagang pwersa sa mga paliparan, pangunahing lansangan, hotel, at mga lugar na pagdarausan ng mga pulong upang matiyak ang ligtas at maayos na paggalaw ng mga heads of state at iba pang VIP.

​Katuwang ng PNP ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng komprehensibong security plan, kabilang ang pagtatalaga ng mga security escorts, route security, at 24/7 na intelligence monitoring.

​Tiniyak din ng pambansang pulisya na nananatiling naka-full alert ang kanilang hanay at nakahanda ang mga emergency response teams upang agad na makaresponde sa anumang sitwasyon habang isinasagawa ang makasaysayang pagtitipon.

​Kasabay nito, muling nananawagan ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad, sumunod sa mga ipinatutupad na traffic rerouting, at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang kilos sa kanilang paligid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *