ROMBLON — Ipinatupad ang zero-balance billing sa Romblon Provincial Hospital at Romblon District Hospital bilang bahagi ng mga serbisyong hatid ng pamahalaan sa ilalim ng Handog ng Pangulo 2026 ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic, saklaw ng programa ang mga pasyente sa dalawang pampublikong ospital sa itinakdang panahon, kung saan sisingilin ang mga gastusin sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) Fund ng Office of the President.

“Pati ang mga laboratoryo at ibang mga services ay libre po lahat,” ani Firmalo-Fabic, na nagsabing layunin ng inisyatiba na mabigyan ng mas malawak na access sa kinakailangang serbisyong pangkalusugan ang mga Romblomanon.

Nagpasalamat naman ang gobernador kay Pangulong Marcos sa naturang programa, na bahagi ng Handog ng Pangulo, isang pambansang inisyatiba na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *