NASUGBU, Batangas — Dalawa sa 47 shipping container na nahulog mula sa MV Span Asia 39 ang narekober sa baybayin ng Barangay Papaya at Subli Cove sa Nasugbu, Batangas.
Nahulog ang mga container habang binabagtas ng barko ang karagatan malapit sa Hamilo Point. Patuloy naman ang retrieval operation ng mga awtoridad para sa natitirang 45 container na nasa dagat.
Pinag-iingat ang mga sasakyang pandagat na daraan sa lugar dahil maaaring magdulot ng panganib sa paglalayag ang mga container na patuloy na lumulutang sa karagatan. Pinapayuhan ang mga operator at tripulante na maging maingat at umiwas sa lugar hanggang sa makumpleto ang retrieval operation.
Source: Batangas News