Umabot na sa 76 ang nasawi sa nasunog na M/V June Aster sa Coron, Palawan.
Noong Sabado ng gabi, narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang karagdagang 41 bangkay.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, dinala na ang mga bangkay sa pantalan ng Coron, Palawan.
Ang unang 30 bangkay ay itinurn-over na sa mga forensic expert para sa pagproseso at pagkilala.
Dahil dito, umabot na sa 76 ang kumpirmadong nasawi, kabilang ang limang biktimang namatay kaagad matapos ang insidente.
Patuloy naman ang search and rescue operations upang mahanap ang iba pang mga pasahero ng sasakyang-dagat na nasunog noong Setyembre 9.