Ibinahagi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Lucena Branch ang mga programa at aktibidad nito upang higit na mapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa digital payments, partikular sa Paleng-QR Ph Program, gayundin sa wastong paggamit, sirkulasyon at pangangalaga ng polymer banknotes.

Tinalakay ang mga ito sa isinagawang Kapihan sa PIA Quezon noong Miyerkules, Agosto 12, 2026, sa Pacific Mall, Lucena City. Pinangunahan ang talakayan nina BSP Lucena Area Director Alvin L. Bemido at Senior Research Specialist Shanise Villanueva.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga hakbang ng BSP laban sa mga insidente ng fraud sa digital payment platforms, proseso ng pagpapatupad ng Paleng-QR Ph Plus Program, at produksyon, sirkulasyon at wastong pangangalaga ng polymer banknotes.

Hinimok naman ng BSP Lucena ang publiko na suportahan ang Paleng-QR Ph Plus Program bilang bahagi ng pagsusulong ng mas ligtas, mabilis at episyenteng digital payment system. Tiniyak din ng ahensya ang patuloy nitong pagsisikap na mapalawak ang access ng mga mamamayan sa iba’t ibang serbisyong pinansyal.

Maaaring mapanood ang episode ng Kapihan sa PIA Quezon kasama ang BSP Lucena sa Facebook page ng PIA Quezon at sa iba pang PIA media partners.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *