Nananatiling walang naitatalang kaso ng illegal recruitment sa lalawigan ng Romblon, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA. Patuloy umanong pinalalakas ng ahensya ang mga kampanya sa pagbibigay ng kaalaman at pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang illegal recruitment at human trafficking.

Inihayag ito ni DMW MIMAROPA Regional Director Dr. Carlo Villaflores sa isinagawang Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Seminar na dinaluhan ng mahigit 500 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga kapamilya mula sa bayan ng Odiongan.

Ayon sa DMW, mahalagang patuloy na maging mapagmatyag ang publiko at tiyaking lehitimo ang mga recruitment agency at alok na trabaho sa ibang bansa upang maiwasang mabiktima ng mga ilegal na recruiter. Binigyang-diin din ng ahensya ang kahalagahan ng sama-samang pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad sa pagpapanatili ng Romblon na ligtas laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *