Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa bawat pamilya sa ilalim ng Local Government Support Fund–Food Assistance Program (LGSF-FAP) nitong Hulyo 14.

Sa unang araw ng distribusyon, mahigit 9,000 pamilya mula sa walong barangay ang nakatanggap ng libreng bigas. Inaasahang matatapos ang pamamahagi sa lahat ng 24 barangay ng lungsod hanggang Huwebes.

Ayon kay Mayor Angelo Alonte, magdaragdag pa ng pondo ang pamahalaang lungsod upang mas maraming pamilya ang mabigyan ng ayuda sa mga susunod na pamamahagi. Nagpasalamat din siya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga minimum wage earners at kabilang sa mga vulnerable sector.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *