Mahigit 30 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Sablayan ang tumanggap ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM), na nag-aalis sa kanilang hindi nabayarang amortisasyon sa lupa sa ilalim ng Republic Act No. 11953 o New Agrarian Emancipation Act. Umabot sa mahigit ₱9 milyon ang kabuuang utang na pinatawad sa mga benepisyaryo.
Kasabay nito, limang ARBs ang pinagkalooban ng electronic land titles (e-titles) sa ilalim ng Project SPLIT, na sumasaklaw sa mahigit 10 ektarya ng lupa. Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), ang mga hakbang na ito ay nagbibigay ng katiyakan sa pagmamay-ari ng lupa, nagpapagaan sa pasanin ng mga magsasaka, at nagpapatibay sa kanilang kabuhayan.
Source: PIA MIMAROPA