Agad na nagsagawa ng emergency evacuation ang Cajidiocan National High School matapos maramdaman ang magnitude 5.4 na lindol bandang 8:42 ng umaga ngayong Lunes.
Ligtas na nailikas ang mga mag-aaral, guro, at kawani sa itinakdang evacuation area bilang pagsunod sa ipinatutupad na earthquake safety protocols ng paaralan.

Bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, isinuspinde na rin ang klase ngayong araw sa buong bayan.
Source: PIA MIMAROPA