SAN JOSE, Occidental Mindoro — Pinalalakas ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga programang pangkabuhayan para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya upang magkaroon ng matatag na pinagkakakitaan sa bansa.

Ayon sa OWWA Occidental Mindoro, patuloy na isinusulong ng ahensya ang mga livelihood at reintegration program para sa mga nagbabalik na OFWs, lalo na sa gitna ng umiiral na krisis sa Middle East.

Sa ngayon, 10 OFWs mula sa Occidental Mindoro ang nakauwi na sa bansa sa tulong ng pamahalaan. Lima sa kanila ang nakatanggap ng tulong pangkabuhayan upang makapagsimula ng maliit na negosyo.

Bukod sa pinansyal na ayuda, sumailalim din ang mga benepisyaryo sa Entrepreneurial Development Training upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa pamamahala ng negosyo at matiyak ang pagpapatuloy ng kanilang kabuhayan.

Nakikipagtulungan din ang OWWA sa iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan upang mabantayan at mapalakas ang mga proyektong pangkabuhayan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *