Nagdeploy ang Police Regional Office 5 ng mahigit 200 KASUROG D.E.A.R. (Disaster Emergency Assistance Response Team) personnel sa Guinobatan upang tumulong sa debris clearing, flushing, at de-clogging operations sa mga lugar na naapektuhan ng ashfall mula sa Mayon Volcano.
Katuwang ang Bureau of Fire Protection at mga lokal na pamahalaan, layunin ng operasyon na maibalik agad sa maayos na kalagayan ang mga pangunahing kalsada, drainage system, at pampublikong lugar para sa kaligtasan ng mga residente.


Bahagi ito ng “Bicol Shield” at disaster response initiatives ng Police Regional Office 5 upang mapalakas ang mabilis na pagtugon at koordinasyon sa panahon ng kalamidad sa pamumuno ni Police Brigadier General Erosito N. Miranda, Regional Director, patuloy na isinusulong ang serbisyong mabilis, tapat, at may malasakit para sa mamamayan ng Bicol Region.
Patuloy rin ang kanilang humanitarian assistance, relief distribution, at road clearing operations sa iba pang apektadong lugar upang matiyak na naaabot ang mga residenteng nangangailangan ng agarang tulong.
Sa gitna ng panganib at hamon ng kalamidad, nananatiling handa at nakaalalay ang kapulisan—patunay ng tunay na malasakit, pagkakaisa, at dedikasyon sa paglilingkod publiko.

