Ipinamahagi ng mga tauhan ng Police Regional Office 5 sa pamumuno ni Police Brigadier General Erosito N Miranda, Regional Director, ay agad na tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente sa mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Malilipot, Sto. Domingo, Tabaco City at Ligao City, Albay, bilang katuwang ng Office of Civil Defense (OCD) sa pamamahagi ng hygiene kits para sa mga komunidad na naapektuhan ng pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon.
Ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng patuloy na humanitarian assistance at disaster response operations ng PRO 5 upang matiyak ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng mga mamamayan sa mga apektadong lugar.


Binigyang-diin ni RD Miranda, ang kahalagahan ng mabilis, maayos, at may malasakit na paghahatid ng serbisyo sa mga residenteng lubhang nangangailangan, mananatiling nakaantabay at handang tumugon sa anumang pangangailangan ng mga mamamayan sa oras ng sakuna sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na koordinasyon sa mga kaukulang ahensya at lokal na pamahalaan.