Nasa 1,000 frontline workers sa lalawigan ng Batangas ang tatanggap ng tig-10 kilong “Bagong Pilipinas Rice” sa ilalim ng programang “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” ng pamahalaan ngayong araw, Abril 24.

Ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga barangay frontline workers, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa komunidad.

Para sa mga benepisyaryo, malaking tulong ang nasabing ayuda upang makatipid sa gastusin sa pagkain at matiyak ang sapat na suplay ng bigas para sa kanilang pamilya.

Ito ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng administrasyon sa pagpapatupad ng Local Government Support Fund (LGSF) upang higit na mapahusay ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga komunidad at sa paghahatid ng mas maayos na serbisyo publiko.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *