Mahigit 5,400 miyembro ng TODA sa Biñan, Laguna ang tumanggap ng tig-P1,000 fuel subsidy mula sa pamahalaang lungsod upang makatulong sa epekto ng tumataas na presyo ng langis.

Isinagawa ang pamamahagi noong Abril 1 sa Biñan Football Stadium alinsunod sa Executive Order No. 15, s. 2026 na nilagdaan ni Mayor Angelo Alonte. Aniya, layunin ng ayuda na suportahan ang mga tsuper na labis na naaapektuhan ng mataas na presyo ng gasolina.

Suportado rin ito ng Sangguniang Panlungsod sa pamamagitan ng Resolution No. 37, s. 2026. Ayon kay Vice Mayor Jonalina Reyes, hinimok din ang mga utility company na pansamantalang huwag magputol ng serbisyo sa mga hirap makabayad.

Nagpatupad din ang lungsod ng mahigpit na monitoring sa mga gasolinahan upang maiwasan ang hoarding. Bukod dito, nakatakda ring magbigay ng rice allowance sa mga pamilyang nangangailangan.

Source: PIA-Laguna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *