Opisyal nang tinanggap ang Philippine Information Agency (PIA) MIMAROPA bilang bagong voting member ng MIMAROPA Regional Development Council (RDC), isang hakbang na magpapalakas sa papel ng ahensya sa pagpapaunlad ng rehiyon at paglago ng ekonomiya.

Kinumpirma ni Jemin Bonafe-Guillermo, Regional Head ng PIA MIMAROPA, ang patuloy na suporta ng ahensya sa mga inisyatiba ng RDC alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028, na may layuning isulong ang sustainable at inklusibong pag-unlad sa rehiyon.

Kasabay nito, nanumpa rin bilang bagong voting members ng RDC MIMAROPA ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Irrigation Administration (NIA), at Presidential Management Staff (PMS), na magpapalawak sa kooperasyon ng mga ahensya para sa kaunlaran ng rehiyon.

Ang hakbang na ito ay patunay sa commitment ng RDC MIMAROPA na palakasin ang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno upang maisakatuparan ang mga pangunahing programa at matiyak ang kabuuang pag-unlad ng rehiyon.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *